Inirerekomenda ng Department of Interior and Local Government o DILG na pagbawalan na ring lumabas ang mga Authorized Persons Outside of Residence o APOR na nasa ilalim ng granular lockdown.
Ito’y para nmapigilan ang pagtaas ng COVID-19 sa mga nasabing lugar.
Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing, epektibo itong pamamaraan kumpara sa pagsailalim ng lockdown sa kabuuan ng isang probinsiya o siyudad.
Dagdag ni Densing na sa pagsasailalim sa ECQ ng ilang lugar sa bansa ay maraming apor ang nakakalabas kung saan posibleng makapanghawa pa rin ngunit sa granular lockdown hindi papayagan lumabas ang mga tao rito.—sa panulat ni Hya Ludivico