Umabot na sa halos 500,000 ang bilang ng authorized persons outside residence (APOR) na naserbisyuhan ng libreng sakay sa railway lines.
Sa huling tala ng Department of Transportation, umabot na sa 452,092 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nakapag-avail ng free ride simula noong Agosto 3.
Nasa 62,937 ang daily total ng bakunadong APOR na nagbenepisyo sa libreng sakay sa MRT-3, LRT-2, at PNR.
Upang ma-avail ang libreng sakay, kailangan lamang na iprisinta ng mga pasahero ang kanilang vaccination cards.
Tatagal ang libreng sakay hanggang Agosto 20, 2021 kasabay ng umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila.—sa panulat ni Hya Ludivico