Nihahanda na ng Joint Task Force Covid Shield ang listahan ng mga authorized persons outside residence (APOR) para sa mga lugar na isinailalim na sa general comminity quarantine (GCQ) gayundin sa mga nananatiling naka-enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Covid Shield Commander at PNP Deputy Chief For Operation Lt. Gen. Guillermo Eleazar, makatutulong ang inihahandang listahan para sa mas maayos na pagpapatupad ng patakaran ng mga law enforcers sa partikular na lugar sa bansa.
Batat aniya sa umiiral na guidelines sa ECQ, kabilang lamang sa mga APOR o mga taong pinapayagan makalabas ng tahanan ang mga empleyado at nagmamay-ari ng mga etablisyimentong exempted.
Gayundin, tanging iisang miyembro lamang ng pamilya ang pinapayagang makalabas ng bahay para bumili ng mga itinuturing na essential goods tulad ng pagkain at gamit.
Samantala, sinabi ni Eleazar na posibleng mas maraming matutukoy na apor sa mga lugar na isinailalim na sa GCQ o pinaluwag na pagpapatupad ng lockdown.