Pansamantalang sinuspinde ng DFA o Department of Foreign Affairs ang aplikasyon at renewal ng mga passport mula November 13 hanggang 15.
Ito ayon sa DFA ay makaraang ideklara ng Malacañang na special non- working holiday ang mga naturang petsa bilang pagbibigay daan sa idaraos na 31st ASEAN o Association of Southeast Asian Nation Summit sa bansa.
Kasabay nito , nilinaw ng DFA na hindi na kailangan mag pa – re schedule ng mga may appointment na sa November 13 hanggang 15 at sa halip ay tatanggapin nila ito mula November 16 hanggang 29.
Magbubukas naman ang ASEAN consular office ng DFA sa Pasay City sa November 18, Sabado para sa nais kumuha ng pasaporte simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.