Hindi na puwedeng gumamit ng application based programs tulad ng waze sa sandaling ipatupad ang Anti-Distracted Driving Actsa May 18, 2017.
Batay sa implementing rules and regulations ng batas, hindi puwedeng gamitin ang mga GPS based geographical navigation application program pati na ang TNVS o Transport Network Vehicle Service na ginagamit ng uber at grab habang nagmamaneho.
Ayon kay Chairman Edgar Galvante ng Land Transportation Office o LTO, kailangang tumabi muna sa kalsada ang motorista kung kinakailangan nyang gumamit ng application based programs.
By Len Aguirre