Normal ang hindi makarinig pabalik mula sa employers matapos magpasa ng job application.
Pero paano kung makatanggap ka ng mensahe mula sa inaapplyan mong dream job makalipas ang mahigit apat na dekada?
Kung paano ito nangyari sa isang babae, tara alamin natin yan!
Isang pambihirang kwento ang karanasan ng 70-year-old na si Tizi Hodson nang mag-apply siya noong 1976 bilang motorcycle stunt rider.
At dahil pinasa ang application sa pamamagitan ng isang sulat, may malaking tyansa na hindi ito matanggap at mabasa agad.
Lumipas na lang ang maraming taon ay walang natanggap si Tizi pabalik mula sa employer.
Kung bakit? Yun ay dahil naipit pala sa likod ng drawer sa post office ang kanyang application!
Gayunpaman, nagpatuloy ang buhay ni Tizi at lumipat sa Africa at naging snake handler at horse whisperer. Bukod diyan, natuto rin siya maging aerobatic pilot at flying instructor.
Pero ang pinaka nakakagulat sa lahat ay bumalik kay Tizi ang application letter niya kahit pa ilang beses na siyang nagpalipat-lipat ng bahay at lumipad sa iba’t ibang bansa, at may note pa na “Late delivery by Staines Post Office. Found behind a draw. Only about 50 years late.”
Natatandaan pa raw niya na ayaw niyang ipaalam na siya ay isang babae sa takot na hindi makakuha ng interview para sa posisyon na inapplyan.
Aniya pa naging masaya ang buhay niya at kung makakausap man ang kaniyang younger self ay papayuhan niya ito na gawin din ang mga bagay na ginawa niya noon.
Ikaw, anong masasabi mo sa pambihirang pangyayaring ito?