Itinengga ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang application ni dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay para sa renewal ng kanyang Philippine passport.
Ito’y sa gitna ng mga kwestyon hinggil sa kanyang citizenship na dahilan ng pagbasura ng Commission on Appointments (CA) sa kanyang confirmation bilang kalihim ng DFA.
Marso a-nwebe nang maghain ng application si Yasay o isang araw matapos ibasura ng CA ang kanyang appointment dahil sa pagsisinungaling sa kanyang American citizenship.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant-Secretary at Spokesman Charles Jose, pinag-aaralan na nila ang naturang issue at titiyaking magiging tama ang kanilang pagharap sa aplikasyon ni Yasay.
Batay sa sources, taong 2013 inissue ang pasaporte ng dating kalihim at ma-eexpire sa susunod pang taon.
By Drew Nacino