Ikinakasa na ng kumpanyang Pfizer ang application nito para sa emergency use approval ng kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine, anumang araw ngayong linggo.
Ayon sa Pfizer, nakumpleto na nila ang pagkolekta ng safety data na isusumite nila sa US Food and Drug Administration (FDA).
Ang bakuna ng Pfizer ay binuo, katuwang ang BioNTech ng Germany, na batay sa resulta ng testing ay mayroong mahigit 90% effectivity rate pagkatapos ng ikalawang dose.
Sinabi ng Pfizer na makikipag-ugnayan na sila sa US FDA para maihain ang application para sa emergency use authorization.