Muling bubuksan ng Taiwan sa darating na Hunyo ang internship program nito para sa panibagong batch ng mga kabataang Filipino farmers.
Ayon sa Taipei Economic and Cultural Office o TECO, ang mga natanggap na aplikasyon mula sa unang Filipino Young Farmer Internship Program in Taiwan o FYFIPT ay kasalukuyan pang nire-review.
Ang internship program ay magkatuwang na itinataguyod ng TECO at Manila Economic and Cultural Office o MECO sa pakikipagtulungan ng Philippine Agricultural Training Institute of the Department of Agriculture o DA-ATI mula pa noong 2021.
Sa ilalim ng programa, tinuturuan ang mga kabataang magsasaka mula sa Pilipinas upang maging farmer leaders at agricultural entrepreneurs sa pamamagitan ng internships sa Taiwan.