Pinalawig pa ng Korte Suprema hanggang August 15 ang application period para sa 2022 Bar Examinations.
Ito ayon sa Korte Suprema ay matapos ipabatid ng mga law school sa buong bansa na mas huli silang magsasara ng academic year kaysa sa iba at maging sa deadline ng orihinal na application period.
Sinabi ng high tribunal na pinalawig nila ang deadline para mabigyan ng sapat na panahon ang lahat ng law graduates na makapaghanda at makapagsumite ng requirements habang tinitiyak na mayruon ding sapat na oras ang mga opisina na i-proseso at i-verify ang application.
Una nang itinakda ng Korte Suprema ang application period mula June 13 hanggang July 15. —sa ulat ni Bert Mozo (Patrol 3)