Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na paikliin ang proseso sa pagkuha ng gun ban exemptions para sa mga indibidwal na mga nakatatanggap ng banta, tulad ng mga miyembro ng hudikatura at iba.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, rerebisahin nila ang kasalukuyang polisiya sa gun ban exemption at security application guidelines upang mapadali ang proseso.
Kabilang sa mga makikinabang sa “system overhaul” ang mga miyembro ng hudikatura, Prosecutorial Service, Public Attorney’s Office, government personnel na mayroong sensitibong mga tungkulin at COMELEC field personnel.
Sasaklawin din ng recalibrated gun ban exemption policy ang mga negosyante, security agencies at indibidwal na may natatanggap na mga banta.
Dahil anya sa bumubuting COVID-19 situation sa bansa at nalalapit na halalan sa Mayo a–nwebe, maaaring i-adopt ng poll body ang decentralization upang mapabilis ang proseso.