Gagamitin ng Duterte administration ang mga itatalagang barangay officials para labanan ang terorismo lalo na sa Mindanao.
Ayon kay DILG o Department of Interior and Local Government Secretary Mike Sueno, isa lamang ito sa mga dahilan kung bakit nais ng Pangulo na italaga na lamang at huwag nang idaan sa eleksyon ang pagpili ng barangay officials.
“Ang sabi ni President Digong ang mga barangay captains lang ang mag-ooperate, mag-coordinate, mag-support sa operations against the terrorists and rebels, if they will cooperate with the military and the police, mas malaking mga problema ang maso-solve natin, ang 3 reasons, hindi niya gusto ang durugista, ayaw niya ng corrupt at gusto niya ng matatapang.” Ani Sueno
Binigyang diin ni Sueno ang napakalaking problema aniya sa mga barangay lalo na sa Mindanao.
Tinukoy ni Sueno ang mga katiwalian sa barangay tulad ng pagpre-prenda ng kanilang IRA o internal revenue allotment.
“Marami rin ang hindi na-aaudit, sa dami ng barangays, more than 42,000, yan ang problema namin how to strengthen itong barangay governance para may transparency din sila, at very important for peace and order maintenance itong mga barangay captain lalo na yung matatapang.” Dagdag ni Sueno
No hidden interest
Itinanggi ng DILG o Department of Interior and Local Government na planong gamitin ng administrasyon ang mga itatalagang barangay officials para ikampanya ang pederalismo.
Ayon kay DILG Secretary Mike Sueno, bagamat desidido ang Pangulo na itulak ang pagbabago sa sistema ng pamahalaan tungo sa pederalismo, wala sa isip nito ang paggamit ng barangay officials.
Una rito, nagbabala si CIBAC Partylist Representative Sherwin Tugna na posibleng gamitin ng administrasyon ang mga itatalagang barangay officials sa sandaling isalang sa plebisito ang panukalang pederalismo sa 2019.
“Precedently yung mga appointed barangay officials dito sa campaign for federalism o campaign in 2019 pero to be fair with him wala siyang ganung isip, na may interest siya sa federalism although he wants our country to be converted into a federal state, wala ang gusto talaga niya ay una malinis ang mga barangay, walang drugs.” Pahayag ni Sueno
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)