Dumulog sa Korte Suprema ang dating abogado ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Para ipawalang bisa ang appointment o pagtatalaga kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Batay sa apat na pahinang petisyon na inihain ni Atty. Oliver Lozano, hinimok nito ang mga mahistrado na maglabas ng desisyon Motu Propio hinggil sa anito’y kuwesyunableng pagkakatalaga kay Sereno para na rin sa kapakanan ng hudikatura at publiko.
Binigyang din ni Lozano, nagdudulot aniya matinding pinsala, kalapastanganan at malalim na pagkakahati – hati sa sangay ng hudikatura gayundin sa hanay ng legal community sa bansa.
Kaya’t umapela si Lozano sa mga mahistrado na agad desisyunan ang kaniyang inihaing mosyon para na rin maprotektahan ang pagiging independiyente ng mga nasa hudikatura mula sa lehislatura o Kongreso.
Jaymark Dagala / Bert Mozo / RPE