Pinapurihan ng Sugar Planters Groups ang pagtatalaga ni Pangulong Bongbong Marcos ng bagong Sugar Regulatory Administration acting Administrator at dalawa pang miyembro ng Board nito.
Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sina Enrique Rojas, Pangulo ng National Federation of Sugarcane Planters; Raymond Montinola, Pangulo ng Confederation of Sugar Producers at Danilo Abelita, Pangulo ng Panay Federation of Sugarcane Farmers.
Umaasa anila ang mga naturang grupo na pananatilihin ng mga bagong-talagang opisyal ang pagiging “consultative” ng SRA sa paggawa ng mga desisyon.
Kampante rin ang mga Sugar planter na mahigpit na i-mo-monitor ng mga bagong SRA official ang sugar supply at demand situation, at gagawa ng mga hakbang, tulad ng posibilidad ng pag-a-angkat ng karagdagang asukal.
Ito’y upang matiyak ang stable sugar supply at patas na presyo para sa mga consumer at producer.
Una nang itinalaga ni PBBM si David John Thaddeus Alba bilang SRA acting Administrator, Pablo Luis Azcona bilang Board Member na kumakatawan sa Sugar Planters at Maria Mitzi Mangwag bilang Board Member na kumakatawan sa sugar millers.
Nakatakda namang manumpa kay Pangulong Marcos ang mga bagong opisyal ng ahensya sa Malakanyang mamaya.