Maaaring bawiin na lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ang paniniwala ni Congressman Vicente Veloso, Vice Chairman ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment case laban kay Sereno.
Ayon kay Veloso, ibinatay niya ang kanyang paniniwala sa desisyon ng Korte Suprema noong 1963 na kapag hindi nasunod ng isang aplikante ang lahat ng requirements ay wala siyang karapatang maitalaga sa isang posisyon.
Sinabi ni Veloso na napatunayan sa impeachment hearing na nabigo si Sereno na isumite sa Judicial and Bar Council ang kanyang mga SALN o Statement of Assets and Liabilities noong panahong namimili pa sila ng irerekomendang Chief Justice.
—-