Bigo pa rin si Health Secretary Paulyn Ubial na makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments o CA.
Ito ay matapos muling ipinagpaliban ng CA ang appointment ni Ubial.
Ayon kay CA Committee Health Chair Senador Gringo Honasan, ipinagpaliban ang deliberasyon sa appointment ni Ubial dahil marami pa umanong nais na itanong ang mga miyembro ng CA ukol sa pamumuno ni Ubial.
Kahapon ay humarap sa komite si Ubial kung saan umapela itong desisyunan ang kanyang appointment batay sa kanyang naging performance bilang lider at hindi sa sinasabi ng kanyang mga detractor.
Sinabi naman ni Honasan na target nilang desisyunan ang appointment ni Ubial sa susunod na linggo bago mag-session break ang Kongreso.
—-