Hindi naman kailangang doktor ang mangangasiwa sa Department of Health.
Ito ang depensa ni Senator Ronaldo “Bato” Dela Rosa sa pagtatalaga kay dating PNP chief Camilo Cascolan bilang Unndersecretary ng DOH.
Ayon kay Dela Rosa, hindi naman magpapagaling ng pasyente si Cascolan dahil ang papel nito ay tumulong pangasiwaan ang kagawaran.
Hindi anya makukuwestyon ang abilidad ni Cascolan pagdating sa pamamahala dahil mahusay nitong pinamunuan ang PNP na may mahigit 200,000 tauhan.
Iginiit ni Bato na bakit naman maiinsulto ang mga health expert sa pag-appoint ni Pangulong Bongbong Marcos kay Cascolan sa DOH.
Prerogative anya ito ng Pangulo at hindi ng mga naiinsulto. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)