Nila-lobby ni House Speaker Feliciano Sonny Belmonte Jr. kay Pangulong Noynoy Aquino si Central Luzon Police Director Raul Petrasanta para italaga bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Sa harap na rin ito ng nakatakdang pagreretiro ni PNP Officer-in-Charge Deputy Director General Leonardo Espina sa Hulyo 19.
Si Petrasanta ay dating hepe ng Quezon City Police District noong panahon ng panunungkulan ni Belmonte bilang alkalde ng lungsod.
Sinasabing dikit din umano ang heneral kay Pangulong Aquino dahil sa pagiging aide nito ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Samantala, napipisil naman ni DILG Secretary Mar Roxas para maging PNP Chief si PNP Deputy Director General Marcelo Garbo.
Who’s next?
Posible umanong si PNP Directorate for Operations Director Ricardo Marquez ang susunod na magiging hepe ng pambansang pulisya.
Ayon kay Perfecto Tagalog, Presidente ng Coalition of Filipino Consumers, mayroon siyang narinig na balita na si Marquez ang napipisil na papalit kay PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina na nakatakdang magretiro sa Hulyo 19.
Iginiit ni Tagalog na ang appointment ni Marquez ay mayroong blessings nina DILG Secretary Mar Roxas at resigned PNP Chief Director General Alan Purisima.
Bukod kay Marquez, kabilang pa sa mga police officials na posibleng pumalit kay Espina ay sina Deputy Director General Marcelo Garbo; Directors Juanito Vaño at Benjie Magalong; at Chief Supt. Raul Petrasanta.
By Meann Tanbio