Tuluyan nang ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appoints o CA ang ad interim appointment ni Health Secretary Paulyn Ubial.
Ito ay kasunod na makakuha ng labing tatlong “No” na boto si Ubial mula sa mga miyembro ng CA.
Umabot din sa lima ang oppositors sa pagkakatalaga ni Ubial, kabilang ang dating Interim President na Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na si Hildegardes Dineros.
Giit ni Dineros, nagsinungaling si Ubial sa CA nang sabihin nito na nag-resign siya sa Philhealth at wala din aniyang kakayahan ang kalihim na hawakan ang kagawaran ng pangkalusugan.
Naluluha namang lumabas ng Padilla Room sa Senado si Ubial matapos na ito ay ma-reject ng CA, at tanging sinabi na nire-respeto niya ang naging proseso ng kanyang kumpirmasyon.
Si Ubial ay pang-lima na sa mga miyembro ng gabinete na ni-reject ng Commission on Appointments, sa pangunguna ni dating DFA Secretary Perfecto Yasay na sinundan nina Dating Environment Secretary Gina Lopez, dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo at dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.