Bumaba ang approval at trust rating ni Vice President Leni Robredo.
Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, bumaba ng pitong (7) puntos ang trust rating ni Robredo na nasa 58 percent mula sa 65 percent noong Disyembre.
Habang nabawasan din ang mga Pilipinong kuntento sa trabaho ng Pangalawang Pangulo na nasa 62 percent mula sa dating 66 percent.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Disyembre 6 hanggang 11 ng nakaraang taon sa may 1,200 respondents sa panahong nagbitiw na sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo.
By Ralph Obina