Hinihintay na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang approval ng National Economic and Development Authority para sa konstruksyon at pag-develop ng P12-B kanan-agos project.
Kinumpirma ni Patrick James Dizon, head ng M.W.S.S. angat-IPO operations management division, na isinasailalim pa sa review ang nasabing project proposal.
Ayon kay Dizon, isang private proponent ang nagsumite ng unsolicited proposal upang i-develop ang proyekto na pagkukunan ng karagdagang water supply ng Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Gayunman, tumanggi ang MWSS Official na pangalanan ang nasabing proponent at tanging ibinigay na detalye ay isang local company ang nagsumite ng proposal.
Ang kanan-agos project ay bahagi ng kaliwa-kanan-agos river basin, sa mga lalawigan ng Rizal at Quezon at kakayaning mag-supply ng mahigit 3–M liters ng tubig kada araw.