Bumaba ng 12% ang approval rating ng administrasyong Duterte sa pagtugon sa 14 na national issue sa gitna ng pandemya batay sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong Setyembre.
Sa issue ng pagsugpo sa katiwalian, sumadsad sa 52% ang approval rating ng administrasyon noong isang buwan kumpara sa 64% noong Hunyo.
Isinagawa ng Pulse Asia ang face to face interview sa 2,400 respondent mula Setyembre 6 hanggang 11.
Bahagya namang sumadsad sa 74% ang rating pagsugpo sa kriminalidad kumpara sa 79% noong; paglikha ng maraming trabaho, 49% mula sa 54 %.
Pag-protekta sa kalikasan, 56 mula sa 61% pagpapanatili ng kapayapaan 64 mula sa 70% kampanya kontra COVID-19 pandemic, 59 kumpara sa 65% noong Hunyo.
Sahod sa mga manggagawa, 54 mula sa 48%; inflation, 37 kumpara sa 43% kapakapanan ng mga Overseas Filipino Workers, 66 mula sa 73% at patas na law enforcement 60 kumpara sa 67%.—sa panulat ni Drew Nacino