Tumaas ng 3% ang approval rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ayon sa isinagawang survey ng Pulse Asia.
Mula 65% noong September 2023, tumaas ang approval rating ng Pangulo ng 68% para sa December.
Ayon kay Eastern Samar Governor Ben Evardone, ang mga pagsisikap ni Pangulong Marcos na matugunan ang mga isyu sa inflation, economic growth, at employment ang nagbigay-daan upang muling umangat ang approval rating nito.
Bago ang survey period, matatandaang umabot sa 95.8% ang employment rate sa ilalim ng administrasyong Marcos. Ito ang pinakamataas na employment rate na naitala sa loob ng 18 taon.
Umabot din sa 5.9% ang gross domestic product (GDP) growth sa ikatlong quarter ng 2023 na itinuring bilang pinakamalakas sa major Asian economies.
Inaasahan naman ni Gov. Evardone na mas tataas pa ang satisfaction score ng administrasyon, kasabay sa patuloy nitong pagpapatupad ng mga inisyatiba na mapakikinabangan ng mga Pilipino.