Lalong tumaas ang approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pumalo sa 72% ang rating nito batay sa pinakabagong tala ng Pulse Asia Survey.
Mas mataas ito sa nakuhang 64% ng pangulo noong Setyembre.
Isinagawa ng Pulse Asia ang nasabing survey mula December 1 hanggang 6 ng kasalukuyang taon.
Samantala, bumaba sa 43% mula sa 48% noong Setyembre ang approval rating ni bise presidente Leni Robredo.
Habang tumaas sa 71% ang rating ni Senate President Tito Sotto at nakakuha naman ng tig- 30% rating sina Speaker Lord Allan Velasco at Chief Justice Alexander Gesmundo.
Kalahok sa nasabing survey ang 2,400 indibidwal mula sa iba’t-ibang panig ng bansa. —sa panulat ni Joana Luna