Bumaba ng dalawampung porsyento (20%) ang approval rating ni US President Donald Trump.
Ito ay kaugnay sa naging paghawak sa sitwasyon at pagtugon ng pamahalaan sa pagtama ng mga nagdaang kalamidad sa Amerika.
Batay sa survey ng CNN, mula sa dating animnapu’t apat na porsyentong (64%) approval ratings ni Trump noong Setyembre, lumagapak ito sa apatnapu’t apat na porsyento (44%) matapos ang pagtama sa Puerto Rico ng bagyong ‘Maria’.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Oktubre 12 hanggang 15 sa may isanlibo’t sampung (1,010) respondents.