Sumadsad sa pinakamamabang antas ang approval ratings ni Mexican President Enrique Peña Nieto.
Ito’y dahil sa kabiguan nitong labanan ang mga corruption scandal sa Mexico, labis na kahirapan at mabagal na paglago ng ekonomiya.
Bumagsak sa 30 percent ang approval ratings ni Nieto kumpara sa 39 percent noong Disyembre, habang 66 percent ng mga respondents ang nagsabing hindi sila natutuwa sa performance ni Nieto.
Ito na ang pinakamababang ratings sa lahat ng mga naging pangulo ng Mexico.