Hindi dapat ikumpara ang approval ratings ni Vice President Jejomar Binay kay Senador Grace Poe.
Binigyang diin ito ni Atty. JV Bautista dahil ang ratings ni Poe ay dapat ikinukumpara sa mga kapwa niya senador, hindi sa Bise Presidente o iba pang mga opisyal ng ehekutibo o hudikatura.
Sinabi ni Bautista na walang kaugnayan ang dalawa sa policy implementation at execution.
Magugunitang sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), pumapalo sa 93% ang approval ratings ni Poe samantalang nasa 58% lamang si Binay.
By Judith Larino