Kapwa tumaas ang approval at trust ratings nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.
Nakakuha ang Pangulo ng 87% para sa kaniyang approval habang 83% naman para sa kaniyang trust rating kapwa mas mataas ito ng siyam na porsyento kumpara sa kaniyang nakuha noong September.
Mayroon namang 58% approval rating si Robredo walong porsyentong mas mataas ito noong September.
Umakyat din ang trust rating ng Pangalawang Pangulo na mayroong 53% mula sa dating 46%.