Idineklara ng Malakanyang na Holiday ang April 24 hanggang 30 dahil sa pagdaraos ng ASEAN Summit.
Ayon sa Malakanyang, walang pasok sa government offices sa Pasay City mula April 24 hanggang 30 samantalang Holiday rin sa April 27 sa mga tanggapan ng gobyerno sa sa mga lungsod ng Pasay, Makati at Maynila.
Batay pa sa deklarasyon ng Malakanyang, walang pasok sa gobyerno at pribadong sektor gayundin sa mga paaralan sa Metro Manila sa April 28, araw ng Biyernes.
Para hindi maabala at magka-problema sa mga government transactions sa loob ng PICC at CCP Complex, sinabi ng Malakanyang na uubra itong ma-proseso sa ibang business at satellite office ng mga nasabing ahensya.
By Judith Larino