Idineklarang special non-working holiday ang Abril a-30 para sa Dagupan City, bilang selebrasyon ng Bangus Festival.
Batay sa Proclamation 1340 na nilagdaan ni executive secretary Salvador Medialdea alinsunod sa authority ni Pangulong Rodrigo Duterte, idineklarang holiday ang nasabing petsa upang makapagdiwang ang mga residente.
Bilang selebrasyon, magkakaroon ng Street Party sa lalawigan, Music and Arts Festival at maging ang pagprito ng bangus.
Kinansela ang pagdiriwang ng Bangus Festival sa nakalipas na dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Patuloy naman ang paalala ng DOH sa mga lalahok na obserbahan pa rin ang health protocols.