Kumbinsido si election lawyer, Romulo Macalintal na walang malalabag sa omnibus election code ang laban ni Congressman Manny Pacquiao sa buwan ng Abril.
Unang-una aniya, pinapayagan ng omnibus election code ang coverage ng media sa mga news worth events at ang laban ni Pacquiao ay isang malaking balita hindi lamang para sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Ayon kay Macalintal, hindi rin maituturing na advertisement sa kandidatura ni Pacquiao ang kanyang laban dahil sya pa nga ang babayaran ng promoter para lumaban.
“Kung sakali mang lalaban si Manny Pacquiao sa ibang bansa, sa Las Vegas, wala din namang election offense kasi ang kanyang ginawa ay ginawa niya sa ibang bansa, at sa ilalim ng ating revised penal code na ang mga offenses committed outside the Philippines, ay walang jurisdiction ang ating bansa.” Ani Macalintal.
Maliban dito, wala pa anyang anumang kahalintulad na kasong nadesisyunan na ng korte.
“Pero kahit na walang sabihing iboto, syempre sasabihin na it will promote his candidacy, pero hindi yun ang intention eh, kung halimbawang matalo siya, will it promote his candidacy?” Dagdag ni Macalintal.
By Len Aguirre | Ratsada Balita