Pinag-aaralan ng Commission on Elections (COMELEC) kung maaaring mayroong paglabag sa alituntunin sa eleksyon ang laban ni Cong. Manny Pacquiao sa Abril 9.
Ito ay matapos punahin ni dating Akbayan Partylist Rep. Walden Bello ang pagkakaroon ng malawak at libreng media coverage ng laban ni Pacman kay Timothy Bradley.
Sinabi ni COMELEC Chairman Andy Bautista na kanila nang sinusuri kung posible bang gamitin ni Pacman ang kanyang laban para mai-promote ang sarili bilang isang pulitiko.
Binigyang diin ni Bautista na ang mga product endorser na may planong tumakbo sa pulitika ay kailangang huminto sa pag-eendorso ng produkto habang campaign period.
By Katrina Valle