Ikinasa na ng Albay Public Safety Emergency Management Office (APSEMO), ang serye ng mga gagawin habang nasa Alert Level 2 ang bulkang mayon.
Anila, pangunahing tututukan ng kanilang opisina ang evacuation kung saan kailangan dito ang validation ng mga naninirahan sa paligid ng bulkan, lalo na ang mga malapit o loob ng 6-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan upang malaman kung ilan ang dapat ilikas.
Bukod dito, kailangan din ang imbentaryo sa mga sasakyan ng mga lokal na pamahalaan na gagamitin sa paglikas.
Ipapatawag naman ni APSEMO Head Cedric Daep, ang pamunuan ng pulisya sa probinsya para sa kanilang pangunahing papel sa ganitong kondisyon ng nasabing bulkan.
Gayundin ang Deparment of Education para sa gagamiting mga silid-aralan bilang evacuation center.