Bigo ang administrasyong Aquino na tugunan ang hinaing ng mga manggagawang Pilipino sa kabila ng gumaganda umanong ekonomiya ng bansa.
Ito ang inihayag ng political analyst na si Professor Ramon Casiple kasabay ng paggunita sa Araw ng Paggawa kahapon.
Aniya, mas inuuna ng mga kapitalistang employer ang malaking kita kaysa sa kanilang coporate social responsibility sa mga empleyado.
Dahil dito, tila binalewala lamang ng pamahalaan ang reklamo ng mga manggagawa partikular sa usapin ng pang-aabuso, hindi tamang pasuweldo, unemployment at wage increase.
Kasunod nito, nanawagan si Casiple sa mga botante na kilatising maigi ang mga pipiliing bagong pinuno ng bansa na nagsasabing sila’y maka-manggagawa ngunit wala namang kongkretong plano para tumugon sa problema.
By Jaymark Dagala