Isiniwalat ni Vice President Jejomar Binay na balak umano ng Liberal Party na magtatag ng one-party dictatorship at kinakasangkapan ang “Daang Matuwid”.
Ang pahayag ay ginawa ni Binay kasunod ng iginiit ng Malacañang na kailangang manatili sa kapangyarihan ang partido sa loob ng 18 hanggang 20 taon bago magbubunga ang repormang isinusulong ng administrasyong Aquino.
Dahil dito, binigyang diin ni Binay na patunay ito ng dictatorial tendency ng administrasyon at pagiging desperadong manatili sa trono sa mahabang panahon.
By Jelbert Perdez