Ini-apela na ng NUPL o National Union of Peoples Lawyers ang desisyon ng Office of the Ombudsman na linisin ang dating Pangulong Noynoy Aquino sa implementasyon ng DAP o Disbursement Acceleration Program.
Sa kanilang inihaing mosyon, iginiit ng NUPL ang kabiguan ng Ombudsman na makahanap ng probable cause para papanagutin si Aquino at maging si dating Budget Secretary Florencio Butch Abad sa mga kasong technical malversation at graft.
Binigyang diin ng NUPL na maliwanag na mastermind o authors ng krimen sina Aquino at Abad nang basbasan ang paggamit ng public funds.
Sinabi ng NUPL na magaan lamang ang tatlong buwang suspensyon na katapat ng pagiging guilty ni Abad sa kasong simple misconduct at ang parusa aniya ay katumbas lamang ng suweldo nito sa tatlong buwan.
By Judith Larino