Hindi na kailangan pang dumalo ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa susunod na senate hearing hinggil kontrobersyal na 3.5 billion peso dengue immunization program.
Ito ang inihayag ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon kahit may sapat na silang ebidensya upang kasuhan ang mga responsable sa kahina-hinala umanong “midnight deal.”
Ayon kay Gordon, nakapagsagawa naman sila ng dalawang hearing nang wala si dating Pangulong Aquino sa kabila nito ay mayroon na silang inilatag na kaso.
Nagkaroon anya ng “conspiracy” sa pagmamadali sa pagbili ng mga dengvaxia vaccine noong 2015 lalo sa nalalabing buwan ng administrasyon ng dating pangulo.
Gayunman, aminado si Gordon na hindi pa niya matiyak kung maaaring papanagutin si Aquino.
Sen. Hontiveros, dismayado sa kinalabasan ng joint hearing ng Senate Blue Ribbon at Health Committees kaugnay sa kontrobersyal na dengue immunization program
Samantala, dismayado si Senador Risa Hontiveros sa kinalabasan ng joint hearing ng Senate Blue Ribbon at Health Committees kaugnay sa kontrobersyal na dengue immunization program ng Aquino administration.
Ayon kay Hontiveros, bagaman sinubukan niyang buksan ang iba pang issue na may kaugnayan sa dengvaxia vaccine, halos ubusin na ni Blue Ribbon Committee Chairman ang oras sa pagtatanong sa mga resource person.
Kung nabigyan lamang sana anya ng pagkakataon ang ibang senador na makapag-tanong ay mabubusisi ng maayos at mauungkat ang iba pang problemang maaaring kaharapin sa dengue immunization program.
Usually sa amin ay may pagpapahalaga sa pagtatanong ang bawat isa dahil sa pamamagitan nito nabubuo namin ‘yung buong kwento at kung ano ang magiging findings and recommendation. Dapat sana hindi naging ganito kahirap ang pagtatanong. Nasabi ko na rin naman kay Chairman Gordon itong concern and I’m hoping na making sila na bukas ang isip at may kahandaang mag-adjust alang ala lamang sa Senado. Pahayag ni Sen. Hontiveros