Inamin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na hindi siya naging komportable nang naging co–chairperson ng Inter Agency Committee on Anti-Illgal Drugs (ICAD) si Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Aquino, nag alangan kasi siya na pagsabihan si Robredo dahil ito ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Aniya, lalong hindi naman niya mapipigilan si Robedo sa mga ginawa nitong pakikipag pulong sa ilang mga foreign groups.
Sa kabila nito, sinabi ni Aquino na naging maganda naman ang mga rekomendasyon ni Robredo sa 19 na araw na panunungkulan nito bilang co–chair ng ICAD.
Sa katunayan, inatasan niya ang ICAD na sundin ang mga naging mungkahi ng pangalawang pangulo.