Hiniling ni Dating Pangulong Noynoy Aquino sa tanggapan ng Ombudsman na ibasura ang kasong Reckless Imprudence resulting in Multiple Homicide na isinampa laban sa kanya ng mga kaanak ng Special Action Force o SAF 44.
Sa kanyang inihaing counter-affidavit, binagyang diin ni Aquino na walang basehan ang argumentong dapat siyang managot sa insidente sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015 dahil sa prinsipyo ng command responsibility.
Simula pa, aniya, 2013 ang pagtugis kina Marwan at Basit Uzman at hindi na kinailangan ang kanyang approval bilang Presidente sa paghain ng mga otoridad ng warrant of arrest sa mga terorista.
Nalaman lamang umano niya ang tungkol sa nasabing planong operasyon noong January 9, 2015 nang magpulong sila ni Dating SAF Director Getulio Napeñas at ng noo’y suspendidong Philippine National Police o PNP Chief Alan Purisima.
Nilinaw ng Dating Pangulo na resource person lamang si Purisima kaya sya kasama sa naturang pagpupulong at hindi totoong pinaubaya sa kanya ang oplan exodus.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc