Idinepensa ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang ipinatupad na dengue vaccination program sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Sa pagharap ng dating Pangulo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontroberysal na dengvaxia vaccine, binigyang diin nito na 2010 pa problema ang dengue sa bansa.
Batay aniya sa ulat ni dating Health Secretary Enrique Ona, limang rehiyon sa bansa ang may pinakamataas na kaso ng dengue noong panahong iyon.
Tatlo aniya sa limang lugar na ito ang higit 100 porsyento ang itinaas ng kaso ng dengue habang pumalo naman sa mahigit 1,400 porsyento naman ang iniakyat ng kaso ng dengue sa Region 8.
“Hindi po maipaliwanag kung bakit 14 na beses umangat ang kaso ng dengue sa Region 8 na hindi naman kasing-congested tulad ng Metro Manila o Metro Cebu, mas kalat ang populasyon ng Region 8 at mas malayo ang binabiyahe ng mga lamok na may dengue kumpara rito sa Metro Manila na dikit-dikit ang bahay. Tanong: Kung sa hindi highly urbanized na lugar, 1409.5 increase, pano na sa talagang dense at urbanized? Ang nakakatakot dito kung tinatayang may 200,000 kaso ng dengue halimbawa kada taon at posibleng umangat ng 14 na beses ang bilang tulad ng nangyari sa Region 8, ang potensyal na puwedeng magkasakit puwedeng umabot ng 2.8 million, yan po ang dami ng Pilipino na baka mangailangan ng blood transfusion, na baka kailangang ipasok sa ospital, na baka kailangang suportahan ng ating gobyerno.” Ani Aquino
Kasabay nito, sinabi ni dating Pangulong Aquino na naniniwala siyang dumaan sa tamaang pagsusuri ang dengvaxia lalot pumasa aniya ito sa US Food and Drug Administration at ginagamit na rin sa Brazil.
Former president Benigno Aquino III’s opening statement at the joint blue ribbon and health senate committee hearing today, Dec. 14, 2017 pic.twitter.com/7f9UlcLYp8
— Abi Valte (@Abi_Valte) December 14, 2017
—-