Nagbago ng tono si Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino sa isyu ng pagtawag sa kanya ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde.
Sa muli nyang pagharap sa hearing ng Blue Ribbon at Justice Committees ng Senado, inulit ni Aquino na tinawagan sya ni Albayalde noong 2016 at tinanong ang status ng dismissal order laban sa 13 naging tauhan nito na akusadong ‘ninja cops’ noong provincial director pa sya ng Pampanga.
Gayunman, sa pagkakataong ito, idinagdag ni Aquino na sinabi rin sa kanya ni Albayalde na huwag munang ipatupad ang dismissal order.
I wish to explain that my statement yesterday that General Albayalde called me up to know the status of the case of baloyo and others is the truth,” ani Aquino.
Iginiit ni Aquino na wala syang intensyon na pasamain ang imahe ng Philippine National Police (PNP) kung saan sya nagsilbi ng 36 na taon.
Sinabi ni Aquino na nalilito rin sya kung tama bang isugal nya ang kaligtasan ng buo nyang pamilya.
PNP made me who I am today, knowing the sad reality of recycling of illegal drugs that has made PNP or PDEA looks bad or worst, it means we have to exert all means to cleanse our rank, and put a start to the cycle,”
Iwas thinking of my family who are now put in much deeper danger. Two days ago I received a phone call from a friend who confirmed that some personality are plotting things against my family,” ani Aquino.