Mariing itinanggi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang mga ipinalabas na pahayag ni Vice President Leni Robredo laban sa kanya.
Ito ay matapos sabihin ni Robredo na magkaiba ang mga sinasabi ni Aquino tuwing magkausap sila at sa harap ng media.
Ayon kay Aquino, hindi niya pinaki-usapan si Robredo na manatili ito bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) dahil sa magandang pamamalakad sa ahensiya.
Sinabi ni Aquino, mismong si Robredo aniya ang nangako sa kanya noon na hindi ito magbibitiw at mananatili sa puwesto hangga’t hindi sinisibak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit naman ni Aquino na kanyang sinuportahan noon si Robredo at ibinigay lahat ng mga kailangan nito.
May sinabi din siyang hindi ako gentleman, gusto ko lang linawin sa publiko na hindi totoo iyon at I’d given all due respect sa ating Vice President, naging supportive kami, kung ano hilingin niya ibinibigay namin except syempre sa sinasabing in the need to know basis syempre hindi na niya kinakailangan malaman iyon pero in a close door I’d try to as much as possible na gusto kong malaman na ‘ay mam 12,000 mahigit ang high value targets, yan na ang lahat pwede niyo ng buksan kung gusto niyo basahin sa loob isa-isa ay okay lang para makita niyo kung sino yung naglalaman na mga high value targets satin’,” ani Aquino. — sa panayam ng Ratsada Balita.