Isa pang kasong kriminal ang isinampa laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino at mga dati niyang opisyal sa Department of Justice.
Ang kaso ay isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC at grupong Vanguard of the Philippine Constitution.
Ang kaso ay may kinalaman pa rin sa dengvaxia vaccine na binili ng Aquino administration sa Sanofi Pasteur sa halagang tatlo at kalahating bilyong piso.
Maliban kay Aquino, kinasuhan rin si dating Budget Secretary Butch Abad, dating Health Secretary Janet Garin at mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health at mga opisyal ng Sanofi Pasteur.
Ang mga kasong isinampa ay graft, malversation of public funds at paglabag sa procurement law.
Nauna nang sinampahan ng VACC si Aquino at mga dati niyang opisyal dahil sa paglabag sa 2016 election ban nang ipatupad ang pagbakuna ng dengvaxia kahit umiiral ang pagbabawal sa mga proyekto ng pamahalaan sa panahon ng halalan.
VACC, nagsampa na ng kasong kriminal laban kina dating Pangulong Aquino at iba pa kaugnay sa dengvaxia | via Bert Mozo (Patrol 3) pic.twitter.com/5upuqMuwcb
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 12, 2018