Personal na nagsumite ng kanyang counter affidavit sa Department of Justice si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kaugnay ito sa kasong kriminal na isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption at Vanguard of the Philippine Constitution na konektado Dengvaxia vaccine.
Kasama rin sa mga nagsumite ng kanyang kontra salaysay sa DOJ ang kanyang mga kapwa akusado na sina dating Health Secretary Janette Garin, dating Budget Secretary Butch Abad at mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH.
Binigyan naman ng panel of prosecutors ng hanggang Hunyo 22 ang mga VACC at Vanguard para magsumite ng kanilang komento sa kontra salaysay ng mga akusado.
Samantala, pinadalhan na ng subpoena ng DOJ ang walo pang respondents mula sa sanofi para dumalo sa pagdinig.
Kabilang sa mga kasong isinampa laban kina aquino ay paglabag sa procurement law, paglabag sa anti-graft and practices act, technical malversation at criminal negligence resulting to multiple homicide.