Tiniyak ni Dating Pangulong Noynoy Aquino na hindi niya tatakasan ang mga kinakaharap niyang kaso sa sandiganbayan.
Nanindigan ang dating pangulo na hindi siya magpapaospital at kanyang haharapin ang kaso.
Naniniwala si Dating Pangulong Aquino na nasa panig niya ang katotohanan.
Nahaharap ang dating pangulo sa kasong graft at usurpation of authority dahil sa pumalpak na operasyon sa Mamasapano sa Maguindanao noong 2015.