Malabong mapasok ng bandidong Abu Sayyaf ang Metro Manila upang makakuha ng atensyon mula sa international terrorist group.
Ito ang matigas na pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino kasunod ng pagmamalaki sa mga nagawa ng kanyang administrasyon upang sugpuin ang bandidong grupo.
Sa kaniyang pagbisita sa Sulu kahapon, ibinida ng pangulo ang mga naging resulta ng isinagawang military at law enforcement operations sa Sulu at Basilan.
Nalimitahan na aniya ang galaw ng grupo ni Esnilon Hapilon sa dalawang barangay sa Basilan habang may mga naaresto na rin silang mga miyembro ng ASG at nasampahan ng kaso.
Kasunod nito, nanindigan ang pangulo na hindi niya tatantanan ang pagdurog sa Abu Sayyaf hanggang sa matapos ang kaniyang termino sa Hunyo a-trenta.
By: Jaymark Dagala