Sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Amerika at ang nakalipas na administrasyon sa patuloy na militarisasyon ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Partikular na tinukoy ng Punong Ehekutibo si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa kabiguan umano nitong pigilan ang China.
Ayon sa Pangulo, nakuha ng dating administrasyon ang paborableng desisyon mula sa Permanent Court of Arbitration na sumusuporta sa claim ng Pilipinas. Wala naman aniyang ginawa ang dating Pangulong Aquino para komprontahin at igiit sa China ang karapatan ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Gayunman, matatandaang lumabas ang desisyon International Tribunal noong Hulyo a-dose ng 2016, ilang araw magmula nang umupo bilang Pangulo si Duterte.