Tuluyan nang nilisan ng dating Pangulong Benigno Aquino III ang Malacañang.
Ang dating pangulo ang sumalubong kay Pangulong Rodrigo Duterte pagdating nito sa Malacañang bago siya nanumpa sa puwesto.
Sandaling nag-usap ang dalawa sa Rizal Hall ng Malacañang kasama ang mga bisita para sa inagurasyon.
Limang beses na pinatunog ang kanyon kasabay ng pagmartsa sa huling pagkakataon ni PNoy sa Malacañang grounds kasama si Pangulong Duterte.
Inihatid pa ni Pangulong Digong si PNoy sa kanyang sasakyan pauwi ng Times Street.
Times Street Party
Sinalubong ng party ang pag-uwi ng dating Pangulong Aquino sa Times Street.
Ang party ay pinangunahan ng kanyang mga cabinet secretaries at mga tagasuporta noong 2010 elections tulad ng black and white movement ni Lea Navarro.
Kabilang sa mga namataan sa party sina dating Education Secretary Brother Armin Luistro, dating DOTC Secretary Jun Abaya, dating DSWD Secretary Dinky Soliman.
Maliban sa kulay dilaw ang suot ng karamihan sa mga dumalo sa party, napuno rin ng banderitas na dilaw ang kapaligiran ng bahay at ang bahagi ng Times Street.
By Len Aguirre
Photo Credit: Malacañang Photo Bureau