Nagkaayos na sina Ara Mina at Aiko Melendez mula sa halos 20 taon nilang hidwaan.
Ito ay matapos magkita ang dalawa sa burol ng ama ng entertainment writer na si Rommel Placente sa isang funeral home sa Quezon City nitong weekend.
Matatandaang nag-umpisa ang alitan ng dating magkaibigan nang maging boyfriend ni Ara si Jomari Yllana na dating asawa ni Aiko.
Noong 2011 naman ay muling nasangkot ang dalawa sa isang alitan nang maging boyfriend ni Ara ang Bulacan mayor na si Patrick Meneses, na siyang naging boyfriend rin ni Aiko.
Hindi naging maganda ang hiwalayan nila Aiko at Patrick na nauwi pa sa sampahan ng kaso.
Samantala, naging masaya ang parehong kampo sa kanilang pag-aayos.
Maliban dito, bukas ang dalawa na makapag-bonding muli matapos ang mahabang taon.
—-