Nananatiling maayos ang samahan ng aktres na si Ara Mina at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses kahit nagkahiwalay na sila bilang magkasintahan at live-in partner noong 2015.
Iginiit ni Ara na wala silang anumang pinag-awayan ni Patrick noon kaya sila nagkahiwalay.
Sa katunayan pa nga ay gusto nang masundan ni Ara ang panganay na anak kay Patrick kahit hindi sila kasal. Si Amanda ang unang apo sa pamilya ng alkalde.
Nilinaw ng aktres na legal na nakakabit ang apelyido ni Patrick sa panganay na anak nila na nagdiwang ng kanyang unang kaarawan noong Disyembre.
Patuloy pa rin daw ang suporta ni Patrick sa kanilang anak.
By Arianne Palma